Ano Nga Ba Ang Sinabi ni Arya Stark kay Nymeria?

0
arya stark

Nung last episode ng Game of Thrones, muling nagkasama si Arya Stark (Maisie Williams) at ang kanyang direwolf na si Nymeria, ngunit kinailangan din niyang hayaan nang lumisan ito at huwag nang pasamahin sa kanya.

Kung matatandaan ninyo, sinabi ni Arya Stark kay Nymeria na “That’s not you”. Malamang hindi niyo naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Arya dito.

Mabuti na lamang ang binigyang linaw ito nina David Benioff at D.B.Weiss.

Sa isang interview pagkatapos ipalabas ang naturang episode na ito, pinaliwanang ni Weiss at Benioff na yung pagkikita ng direwolf na si Nymeria at ni Arya ay halintulad sa isang pangyayari noong season 1.

Matatandaan na sinabihan noon ni Ned Stark (Sean Bean) si Arya, na balang araw ay mag-aasawa siya. Sinagot ito ni Arya ng “That’s not me.”

Naulit ito nang muling magkita si Arya at Nymeria. Ipinaliwanag ni Benioff na nais ni Arya Stark na muling sumama sa kanya si Nymeria sa kanyang paglalakbay papuntang Winterfell. Subalit nang maunawaan niya na may sarili nang buhay si Nymeria, hinayaan na niya ito.

Ang pagsabi ni Ned Stark ng ‘That’s not you’ ay isang prediction para kay Arya Stark na magiging maybahay siya balang araw ng isang panginoon o lord.

Subalit si Arya Stark ay isang tipo ng babae na maglalagi sa bahay lamang, tulad ng naisip niya na ganun din ang gugustuhin ni Nymeria.

Nang magpasya si Nymeria na lisanin na si Arya Stark, matinding lungkot ang naramdaman ni Arya, ngunit naunawaan niya na ganoon din ang kanyang gagawin kung siya ay naging si Nymeria.

 

SHARE
Previous article2 in 1 Laptops are Fast Becoming a Fad
Next articleFloodwater is Dangerous to Your Kids
Rod 'RodTrip' Gabriel is a former IT Educator and now a Digital Entrepreneur who focuses on helping businesses create online presence and generate return of investments through social media, content creation and search engine optimization. During his spare time, he writes blogs on food, travel and his life experiences.

LEAVE A REPLY