Mahal Ka Ba ng Aso Mo?

0
mahal ka ba ng aso mo

This time, I’ll opt to write about this topic in Filipino (Tagalog).

Alin ba sa dalawa ang mas mapagmahal? Aso o pusa?

Mas mapagmahal ang aso. Ang pusa, mas AMO (boss) pa sa amo (AMO).

Bakit ba kamo?

1. Umiiyak ang aso mo o nag-iingay kapag alam na niya na padating ka na. Kahit gaano pa katagal ang pagkawala mo. Isang kilometro man ang layo mo, amoy na amoy ka na niya. Lalo na kapag amoy putok ka. Alam na alam niya yan.

2. Didilaan ka sa mukha ng walang humpay. Ewan ko sa aso niyo, pero may mga aso na ganito.

3. Bubungguin ka niya habang tumatakbo or tatalunan ka niya ng todo. Yung tipong buong bigat ng katawan niya ihahampas sa yo. Akala ata niya siya si Rey Mysterio.

4. Malamang may gamit ka na lagi niyang bitbit sa bibig niya. Feeling niya kasi kasama ka niya lagi, kapag ginagawa niya ito. Kaya itago mo na ang panty o brief mo. Huwag pakalat kalat iha at iho.

5. Malimit nagpapakarga. Minsan tumatalon pa. Akala ata niya kangaroo siya. Pero ang hindi mo alam, sinusukat lang niya ang talon niya kung aabot sa mukha mo. Pagdila lang pala sa mukha ang gusto.

6. Itutulak niya ang katabi mo sa kama o hahatakin niya ito pababa ng kama. Kaya huwag kang basta basta mag-uuwi ng kahit sino.

7. Kung hindi tsinelas, carpet ang gusto. Gusto ng ano? Nguyain kamo. Palitan mo na raw, mapanghe na kasi o mabantot dulot ng ano. Ikaw na mag-isip no.

8. Hahabulin niya ang bola na ibinato mo. Tennis ball no. Huwag kung ano ano. Malaki ang basketball, matigas naman at mabigat ang bowling ball. Matalino ang aso mo alam niya na hindi dapat basketball at bowling ball, hindi kagaya mo. Obvious ba, gusto ka niyang kalaro no?

9. Gusto niyang sumama sa paliligo mo. Oo, gusto ka niyang maligo. Mas amoy aso ka na daw sa aso.

10. Gigisingin ka niya mula sa mahimbing mong pagtulog. Hindi para maaga kang makapasok, kundi para maka(censored part) na siya sa labas. Malalaman mo yan kapag halos nakadikit na mukha o bibig niya sa ilong mo. Tinitignan niya kung gising ka na. At kund hindi pa, humanda ka sa isang matinding body slam niya.

11. Ngingiti siya. Totoo. Ngingiti siya. Hawakan mo cellphone mo, switch-on mo camera. Oo, ngayon na. Tapat mo sa mukha niya. Abangan mo. Maging pasensyoso. 5 minutes lang yan……………. 5 minutes na?… Sige 5 minutes pa ulit…

12. Ayaw niya sa panget na ka-date mo. Alam niya kung mahilig din ito sa aso. Kapag amoy pusa, asahan mo hahabulin niya to.

13. Sisiksikin ka hanggang ikaw na mismo ang sumuko. Nakahiga ka man o nakaupo, walang posisyon na hindi niya susubukan. Magkaroon lang siya ng paraan na tumabi sa yo.

14. Susunod sa yo kahit saan ka pumunta. As in… Subok ko na ito.

15. Magpapakandong, lalo na ang mga Shih-Tzu. OO, Shih-tzu tanga. Maliit lang yun. Papayag ka ba kung St. Bernard o Great Dane ang kakandong sa yo? Sabagay depende sa kaartehan ng amo.

16. Nakatanaw sa bintana, nakasilip at inaabangan ka. Ano? Hindi ginagawa ng aso mo to? Tanga para lang sa mga may St. Bernard at Great Dane ito. Shih-Tzu kasi aso mo.

17. Nagseselos. Oo, nagseselos din ang aso. Mapapansin mo yan kapag dalawa ang aso mo. Maglalaban sila sa atensyon mo. Hindi puwede na yakapin mo ang isa tapos ang isa hindi mo papansinin. Kailangan din nila ng atensyon mo.

18. Hahatakin ka niyan kung saan saan. Lalo na kung alam niyang pasyal pala sa park ang gusto mo. Kapag tumakbo, kailangan mo daw ng ehersisyo. Obese o obvious na ang tawag ng tao sa yo.

19. Lahat na lang kinakain. Makalat daw kasi ang bahay mo.

20. Babantayan ka niya. Lahat tatahulan niya. Hindi ka daw kasi marunong tumahol kapag may ibang tao.

21. Ibababa niya lahat ng laruang binigay mo sa kanya at aayain kang makipaglaro. Para saan pa nga naman ang binili mo kung hindi mo gagamitin. Tutulungan ka lang naman niyang maglaro para hindi ka ma-bore.

22. Kapag umiiyak ka at nalulungkot, sasamahan ka niya at dadamayan, na parang forever mo. Nag-break kayo ng jowa mo? Problema sa opisina? Dila lang sa mukha katapat niyan.

23. Sasamahan ka niya kapag may sakit ka, o kahit may sakit siya. Malalaman mo yan sa paggalaw ng buntot niya.

24. Ididikit niya ilong niya sa iyo. Love ka daw niya at hindi ang amoy mo.

Ikaw, alam mo na ba kung love ka ng aso mo?

SHARE
Previous articlePure Honey and How To Effectively Use It
Next articleWhat’s Up with this Jollibee Tear-Jerking Commercial ?
Rod 'RodTrip' Gabriel is a former IT Educator and now a Digital Entrepreneur who focuses on helping businesses create online presence and generate return of investments through social media, content creation and search engine optimization. During his spare time, he writes blogs on food, travel and his life experiences.

LEAVE A REPLY