Tamang Pag-aalaga ng Rubber Tree Plant

2

Ang Rubber Tree plant o ang Ficus elastica ang pinakamainam na halaman para sa iyo kung gusto mo ng matatag at madaling alagaan na indoor plant na mabilis lumaki sa loob ng ilang taon. Yung makikinis na dahon niya ang makadadagdag kagandahan sa karamihan ng mga kabahayan ng mga nais mag-alaga nito.

Kung ayaw mo naman ng mataas na halaman, madaling gawan ng paraan ang laki ng rubber plant sa pamamagitan ng madalas na pag-prune nito. Subalit, laging tatandaan, ang rubber tree ay determinadong lumaki at mangangailangan ng mataas na espasyo.

Ngayong nagbabalik ang popularidad ang halamang ito, madalas pinipili ng mga plantitos at plantitas na nakatira sa maliliit at magagarang tahanan, kagaya ng mga apartment at mga condominium ang rubber tree dahil sa taglay nitong kagandahan.

Nitong mga nagdaang taon, lalong lalo na ngayong pandemiya, muling nanumbalik ang popularidad ng halamang ito, dahil sa taglay nitong ganda, halaga at pagiging stress reliever nito.

Batay sa isang pag-aaral, ang Rubber Plant ay isa sa pinipiling halaman na nagkakapaglinis ng ating hangin sa loob ng kabahayan. May taglay din itong panlaban sa peste at karamdaman, bukod sa taglay nitong halumigmig (moisture) na nakakapagpabawas init sa kahit na anong kuwarto mo ito ilagay. Sa ibang salita, makabubuti ito sa iyong kalusugan, bukod sa madali itong alagaan.

Ang mga popular na rubber tree ay ang Black Prince at Ficus Burgundy. Malamang narinig niyo na rin o malamang nakakita na rin kayo ng mga variegated Rubber tree plant types.

Kung mayroon kayong isang maayos na lugar na kung saan may sapat na liwanag mula araw para sa variegated rubber tree, piliin niyo ang Ficus Ruby. Ito ay isang rubber tree plant na may kulay pink at purple sa kanyang mga dahon. Isa sa magandang rubber tree plant ang Doescheri. Ito ay isangrubber tree plant mula sa India ay may mga iba ibang shade ng green at yellow. Kahalintulad ito ng maliit at siksik na Ficus Tineke.

tineke

Tinawag itong “rubber” dahil sa tila “rubber” na puting dagta na lumalabas mula sa makikintab nitong dahon at tangkay nito kapag ito’y nasusugatan.

Mag-ingat lamang sa puting dagta nito sapagkat hindi ito kaaya-aya sa tao o mga alaga nating hayop kapag na-ingest o nalulon. Iwasang madikit ito sa inyong mga mata at balat. Kapag nadikitan ka ng dagta, agad agad lang na maghugas ng mabuti.

Sapat na Liwanag

Kailangan ng sapat na liwanag at iwasang mailagay ang rubber tree sa ilalim ng araw.

Sapat na liwanag din ang kailangan ng mga variegated rubber tree plant upang mapanatili ang pagiging variegated nito.

Determine the amount of sunlight needed by your plant

Tamang Pagdilig

Habang papalaki ang rubber tree plant, mahilig sila sa tubig. Siguraduhin lamang na may sapat na daluyan ng sobrang tubig ang pinaglagyan ng halaman o ang paso nito. Alamin ang tamang soil composition para sa rubber tree para hindi mababad ng tubig ang mga ugat nito.

Kapag napansin mo nang tuyo ang lupa ng rubber tree plant mo, diligan na agad. Sundan ng isa pang pagdilig kapag napansin mo nang natuyo ulit ang lupa nito.

Humidity (Kahalumigmigan)

Ambunan ang mga dahon sa pamamagitan ng isang water mister or water sprayer paminsan minsan kapag tuyo ang hangin. Mabibili ang water mister o water sprayer sa  supermarket o sa mga bilihan ng mga beauty products o sa The Backyard Flora.

Fertilizer

Upang makalikha ng malalaking dahon, kinakailangan ng rubber tree plant ng madalas na pag-fertilize. Gumamit ng osmocote. Ang osmocote ya isang klase ng fertilizer na tinatawag na prills kung saan mabagal niyang nilalagay ang nutrients na kinakailangan ng rubber tree plant sa lupa. Makatutulong ang osmocote sa nag-aalaga ng rubber tree plant dahil hindi na kinakailangang madalas na lagyan ng fertilizer ito dahil sa inherent slow-release properties ng osmocote.

The Backyard Flora : Osmocote
Osmocote

Temperatura

Ang Rubber tree plant ay nabubuhay sa temperatura na may range between 10°C to 29°C. Kapag mas mainit, numinipis ang mga dahon.

Repotting

Lalaki pa rin ang rubber tree plant kahit sa maliit na paso. Alalahanin lamang na ang maliit na paso ay magiging sagabal din sa paglaki niya kalaunan.

tineke
Repotting Your Tineke Rubber Tree plant

Topdressing

Ang topdressing ay ang pagpalit ng lupa sa ibabaw ng lupa kung saan nakalagay ang rubber tree plant. Ito ay ang pamamaraan na pagpapalit ng nutrisyon at kapaki-pakinabang na microbes (mikrobyo)

Kung napapansin pa din na hindi lumalaki ng normal ang rubber tree plant. Mas makabubuting i-repot na ito kapag ganito ang sitwasyon. Ilipat na sa mas malaking paso ang rubber tree plant at gamitan ito ng potting mix.

Propagation (Pagpapadami)

Kung hindi ka naman nagnenegosyo ng ganitong halaman, mas mainam na huwag nang padamihin ito lalong lalo na kung maliit lang ang espasyong paglalagayan ng rubber tree plant.

Mas madali kung bibili na lang kayo ng isa pang rubber tree plant sa isang plant garden kagaya ng The Backyard Flora.

Kung nagnanais talagang mag-propagate ng nito, madali lang naman kung susundin niyo ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Kumuha ng isang pirasong tangkay, (madalas naming ginagamit ang tangkay na umuusbong), mga 4-6 pulgada (inches) ang haba.
  2. Tanggalin ang dahon sa ilalim, pagkaputol. Kapag lumabas ang puting dagta hintaying matapos ito (usually within 30 minutes), punasan ng tissue at hugasan ng may pag-iingat..
  3. Itanim ang pinutol na tangkay na may natitirang isang dahon sa compost o perlite.
  4. Ang itinanim na tangkay ay hindi dapat masyadong nababasa at kinakailangang ilagay sa isang lugar na may katamtamang init at hindi dapat ibilad sa araw. Ngayong padating na tag-init and pinakamainam na panahon upang gawin ito.

Bilis ng Paglaki

Mabilis ang paglaki ng rubber tree plant, kaya nga karamihan sa rubber tree plant owners lalong lalo na kapag tag-init ay nilalabas ang ang rubber tree plants nila upang lalong dumami ang dahon. Iwasan lamang ang mabilad ito sa araw at malunod ito sa sobrang pagdilig.

Taas at Lapad

Lumalaki ang rubber tree plant hanggang 9ft. Di kaaya ayang kalidad ng klima, ang maliit na paso o kinalalagyan o ang pagputol ang mga dahilan kung bakit posibleng maging maliit lang ang rubber tree plant.

Ang madalas na pagputol sa tuktok na tangkay ang magpapalapad nito ng higit sa 1 meter.

Nakalalason ba ito?

Oo, bahagyang nakalalason ang Rubber Tree plant sa alagang hayop at tao. Ang puting dagta nito ay nagdudulot ng gastrointestinal health issues kapag nakain o nadikit sa balat natin.

Alikabok

Ang alikabok ang isa sa pinakamalaking problema ng rubber tree plants lalong lalo na kapag nasa loob siya ng bahay. Maglagay ng tatlong patak ng neem oil sa kalahating baso ng tubig. Sa pamamagitan ng bulak, bahagyang pahiran ng tinimplang neem oil at tubig ang mga dahon upang malinis ang mga dahon at sundan ng maingat na pagpunas ng malambot na tissue ang mga dahon upang manumbalik ang kintab nito. Gawin ito every two months.

Black Prince Rubber Tree Lead
Rubber Tree Leaf with White Stains

Madalas na Problema o Katanungan sa Rubber Tree

Naninilaw na dahon

Normal ang paninilaw ng mga lumang dahon. Kung hindi luma ang dahon, malamang na napasobra ang tubig na ipinandidilig dito o di sapat ang liwanag na natatanggap niya.

Pananamlay o Pagyuko

Tumatamlay ang rubber tree plant kapag higit pa sa 29°C ang temperatura ng pinaglalagyan sa kanya, o dili kaya’y nasobrahan sa pagdilig. Kapag lumamig ang temperatura o natuyo ang lupa, muling sisigla ito.

Puti puti sa dahon

Ang mga puting mantsa sa dahon ay posibleng dulot ng alikabok, pagkasugat ng dahon o tangkay nito.

  1. Ang puting dagta ay matatanggal gamit ng malambot at basang basahan or wet wipes.
  2. Ingatang malagyan ng mantsa ang mga gamit sa bahay, katulad ng kasangkapan o karpet.

Masyadong Malaki ang halaman

Puwede pong putilin ang rubber tree plant sa taas na gusto ninyo. Hanapin ang pinakagitnang part ng rubber tree plant lalong lalo na kung halos 9 feet na ito o putulin ito sa tamang taas na gusto niyo. Puwedeng ilipat ang pinagputulan sa panibagong paso.

Balutin ng tissue ang pinagputulan para hindi tumulo ang puting dagta kung saan saan.

Asahan na may isang papalit na growth point at lalaki siya ulit pataas o dalawang bagong growth points na magdudulot ng mas mayabong na halaman.

Kung naghahanap kayo ng mga rare, ornamental or indoor plants, kindly go to The Backyard Flora for more details. Paki-LIKE to get regular updates from them. The Backyard Flora is a micro garden business owned by siblings Ann and Matthew Gabriel and is located in Manuyo Dos, Las Pinas city.

2 COMMENTS

    • Rubber plants need bright light to thrive, but don’t put them in the sunniest spot you have just yet—too much hot, direct sunlight can scorch your plant’s leaves. Hope this helps.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here